
Sa Pilipinas na si Gloria dinaya ang pagkapangulo
ang Luzon, Visayas at sa Mindanao kung saan ay ubod ng gulo
Sa kaniyang Bayan,kung maka pangako animo'y magkakatotoo
Paasahin ka't ano? sa kahirapan parin ang bagsak mo
Ang Pilipino, Taas noo yan kahit kanino
Bakit si Gloria? naging tuta ng mga Amerikano
Hindi kayang makipagsabayan
Palibhasa'y mahirap na Bayan ang pinang galingan
Ang Inang Bayan, wala pa ring pagbabago
Maraming ang walang trabaho
Maraming Pamilya ang lugmok at hikahos
Kahirapan sa Bansa,hindi parin naagos
Saan ba napupunta ang pera ng gobyerno?
Kundi sa bulsa ng mga Arroyo at kapartido nito
Nagpapayaman at Marami ng Ari-arian
Hindi mo na nga mabilang ang Kuno nilang pinaghirapan
Harap-harapan na nila tayong ninanakawan
Ang matulungan ang mga nangangailangan
bakit tila labag pa sa kanilang kalooban
Wala na yatang pag asa ang bayan kong silangan
Sa mundo natin,
ang magnanakaw, kinukutya
tinatawag na hayop at sa alyas na Lupin
ikinukulong sa mabahong kulungan
at parang hindi tao kung alipustahan
Sa mundo naman ng pulitika,
minsan lang ang may nahatulan
ang mga kurakot sa gobyerno na nagnanakaw
nirerespeto't tinatawag pa nga nating
nirerespeto't tinatawag pa nga nating
Ginoo at Madam
May puso ba si Gloria?
bakit hindi natitinag
o kahit man lang ang mahabag
Isang syang anak,kapatid at magulang
bakit hindi nya maramdaman ang kanyanng pagkukulang
na ang kanyang pangalan,
ay isinusuka na ng mamamayan
Marami ng grupo ang nagtangka
tinangkang buwagin ang Administrasyong Arroyo
na pansamantalang pinagliban
dahil sya'y makapangyarihan
dahil sya'y makapangyarihan
Si Gloria, matigas ang ulo ngunit matalino
milyon-milyong pilipino na ang naloloko
huwag ka ng magtaka kung sino
dahil kabilang ka sa milyong naloko.
Ka-ilan kaya matatapos ang kahirapan
sino ba ang nais ay katarungan
bakit hindi natin simulan
simulang pukawin ang kamalayan
pagbabagong nais?
bakit hindi natin subukan?
subukan sa sarili bago sa Bayan.
No comments:
Post a Comment